Wednesday, August 31, 2011

Sunday, August 21, 2011

the world is cruel

yan ay isa sa mga kataga na naririnig ko, kowteyshon ba. hahahaha, ang mundo ay masama, kaya dapat ay ihanda mo ang sarili mo.

parang di naman eh. ang mundo, kahit na gaano tayo kasama dito, kahit na gaano tayo kalapastangan sa mundong ginagalawan natin, hindi pa din ito humihinto sa pagikot para mabigyan tayo ng araw at gabi, hindi pa din ito humihinto sa pagpapalaki ng mga puno sa paligid nito. hindi pa niya nilalamon ang mga namamalagi dito. hindi ba't tayo ang siyang masama? kaya mali siguro yung "the world is cruel"

no it's not. the people are.

tayo yung lumalapastangan sa mundo, *buntong hininga*

at tinutuloy pa din natin ito, kahit mali, itinutuloy pa din natin kahit na madami nang signs na kailangan na nating huminto. iba nga naman ang kalibre ng mga tao. we are born good, innocent, pero once na lumaki dyan na naguumpisa yung pagiging corrupt ng mga utak. masaklap niyan, minsan kung sinu pa yung mga taong naatasang mag lead, sila pa yung pinakang corrupt, kung sinu yung akalang malinis ay sila pang madumi, at nagpapalala pa nito ay nakikita na sila ay talagang corrupt, pero itinatanggi pa nila. masarap sabihing "wala silang kunsensya" o kaya naman" mga demonyo". pero kung pakaiisipin, tayo din, wala sa antas ng mga nagawa, the point is. in our own little ways. corrupt tayo. hindi mo pwedeng sabihin at maging proud na dahil tao tayo. dahil tayo yung may isip. diba tayo yung dapat na mahiya, dahil tao tayo pero ganun at ganun pa din ang nangyayari.

*buntong hininga*

pag iniisip ko ang ginagalawan kong mundo. ang ginagalawan kong panahon. kasamaan ang nakikita, kailangan nating maging superhero sa ating sarili. hindi lamang para masagip natin ang ating mga sarili pero para mailigtas natin ang ibang mga tao pa.... ewan. chopsuey ang utak ko ngayon.

Wednesday, August 3, 2011

14:40

wala akong patutunguhan, wala akong silbe, wala akong mararating. pagiiwanan ako ng panahon at habang nasa himpapawirin na ang karamihan ng mga kasama ko, kasabay ko, ako? wala

wala akong mapapatunayan sa sarili ko, wala akong mapapatunayan sa ibang tao.

Thursday, July 7, 2011

nakataas ang paa niya sa upuan, saktong chill lang, pinakikinggan ang silid ng up dharma down habang kumakain ng napakasarap na cookies. titig sa kawalan.

"ang buhay ay parang itong mamahaling cookies, pag nakain ko na to, hindi na ito babalik sa dati niyang itsura, wala nang balikan."

"gusto ko pa ng isa, kaso parang nakakapanghinayang na ako lang kakain nito, ang mahal eh"

tumayo siya at naglakad patungo sa ref, gaya ng dati niyang gawain, binuksan niya ang lalagyanan ng tubig, lumagok ng mga ilang ulit at ibinalik sa loob ng ref ang lalagyanan.

"inaantok ako, gagawa ba ako o magpapahinga? minsan nakakasawang maging masipag. gusto kong mag pahinga, gusto ko magrelax."

wala naman talaga ata akong pangarap kung hindi ang mahalin lang ako. walang dating ang pera sa akin.

nagbuntong hininga siya, dumating na ang delivery ng beer sa kanilang pintuan.

Thursday, June 30, 2011

07-01-2011

naalimpungatan, nagising siya bigla, nakahiga sa kama.

paano kung ang buhay ay isang panaginip lamang, maaaring isang magandang panaginip, maaaring bangungot. at pagising mo, sa iyong pagkamatay ay ang isa pang buhay.

"hahahahahaha." natawa siya sa loob, naisip niyang maaari nga. pwede, may posibilidad. pero higit sa lahat.

"mas importante na mabuhay ako ngayon. masaya na din ako dahil may pinagaalayan ako ng buhay ko. marami akong problema, maraming inaasikaso, sana kayanin ko."

sa likod ng mga masasamang naging karanasan niya sa buhay na biglang pumasok ulit sa utak niya, sumabay pa ang takot sa hinaharap. ipinikit niya ang kanyang mga mata.

bumalik siya sa kanyang buhay.

Wednesday, June 29, 2011

6-30-2011

naglalakad siya pababa ng mrt station. hindi tulad ng dati na nagmamadali at halos patakbo siya, ngayon, isang mabagal na lakbayin lamang. kung dati, ang iniisip niya ay "kailangan kong magmadali, kailangan ko nang umuwi" ngayon, ay taliwas, iniisip niya kung anong nangyayari sa mundo na ginagalawan niya. ano ang nangyayari sa buhay niya.

ani mo'y isang normal na lalaki, palangiti, maayos kausap, matalino, mapagmahal sa mga tao, makadiyos. pero sa loob niya ay naninirahan ang takot, pagaalinlangan sa lahat ng bagay, pagkabagabag. nawawala, may pupuntahan pero hindi alam kung saan patungo.

"sabi nga nila ganun siguro ang buhay" buntong hininga sa loob pero sa labas ay parang wala lamang.

nasa terminal na siya ng jeep, inabot ang otso pesos na pamasahe niya sa ale,

pagpasok niya sa loob, tinitignan niya ang mga kapwa niyang nakasakay. naghahanap ng karamay. tuloy tuloy pa din ang kanyang pagiisip tungkol sa buhay. tuloy tuloy. mahirap mawala sa kanya ito sa pagkat ito lamang ang kanyang naging sandata dati, sa kalungkutan, sa pagkabigo. kanyang sandata para initindihin na lamang ang mga taong sumakit sa kanya. ngayon ay parang maayos na, pero hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob sa iba, napatawad na niya ang mga ito pero hindi niya pa din alam kung paano alisin ang sakit na naramdaman niya.

at kung paano hindi niya ito mapasa sa iba.

nagumpisa sa simpleng pagiisip, pero ito na pala ay nagiging dasal, kahit saan kahit kailan. umaasa na may makakarinig nito.

ang masayang tao na umiiyak sa lungkot.

Saturday, June 25, 2011

06-25-2011

nakapangalumbaba, nakasuot ang headphones, nagiisip kung paano nga ba tumakbo ang buhay, paano nga ba mabuhay ng tama. pero una sa lahat paano mabuhay.

"paano mo nga malalaman kung ano talaga ang tama at mali?

pwede kasing maging tama ang mga bagay-bagay depende sa pananaw ng tao. kung ano ang socially right. kung ano ang tama sa mata ng nakararami, pero yung nga ba yung tama? o dahil yun lang yung nakasanayan. 

ano nga ba ang tama sa mata ng diyos? pwedeng lahat ay tama at pwedeng lahat ay mali, pero sa huli ba, importante pa din yun?"

matagal siyang nakatulala sa monitor, tumutugtog ang kantang nakakagaan ng loob niya, mabigat ang utak sa dinadala, pero hinahayaan niya lang ito, nakikipagusap sa mundo, sa diyos din siguro. 

maraming kaguluhan sa mundo niya pero hindi halata sa kanyang mukha, sa kilos, sa gawa.

sa loob ng utak niya? isang walang hanggang paglalakbay, may hinahanap, maaaring nakahinto siya pero patuloy siyang naglalakad, hindi alam kung saan papunta pero may pupuntahan siya.