Wednesday, August 31, 2011

Sunday, August 21, 2011

the world is cruel

yan ay isa sa mga kataga na naririnig ko, kowteyshon ba. hahahaha, ang mundo ay masama, kaya dapat ay ihanda mo ang sarili mo.

parang di naman eh. ang mundo, kahit na gaano tayo kasama dito, kahit na gaano tayo kalapastangan sa mundong ginagalawan natin, hindi pa din ito humihinto sa pagikot para mabigyan tayo ng araw at gabi, hindi pa din ito humihinto sa pagpapalaki ng mga puno sa paligid nito. hindi pa niya nilalamon ang mga namamalagi dito. hindi ba't tayo ang siyang masama? kaya mali siguro yung "the world is cruel"

no it's not. the people are.

tayo yung lumalapastangan sa mundo, *buntong hininga*

at tinutuloy pa din natin ito, kahit mali, itinutuloy pa din natin kahit na madami nang signs na kailangan na nating huminto. iba nga naman ang kalibre ng mga tao. we are born good, innocent, pero once na lumaki dyan na naguumpisa yung pagiging corrupt ng mga utak. masaklap niyan, minsan kung sinu pa yung mga taong naatasang mag lead, sila pa yung pinakang corrupt, kung sinu yung akalang malinis ay sila pang madumi, at nagpapalala pa nito ay nakikita na sila ay talagang corrupt, pero itinatanggi pa nila. masarap sabihing "wala silang kunsensya" o kaya naman" mga demonyo". pero kung pakaiisipin, tayo din, wala sa antas ng mga nagawa, the point is. in our own little ways. corrupt tayo. hindi mo pwedeng sabihin at maging proud na dahil tao tayo. dahil tayo yung may isip. diba tayo yung dapat na mahiya, dahil tao tayo pero ganun at ganun pa din ang nangyayari.

*buntong hininga*

pag iniisip ko ang ginagalawan kong mundo. ang ginagalawan kong panahon. kasamaan ang nakikita, kailangan nating maging superhero sa ating sarili. hindi lamang para masagip natin ang ating mga sarili pero para mailigtas natin ang ibang mga tao pa.... ewan. chopsuey ang utak ko ngayon.

Wednesday, August 3, 2011

14:40

wala akong patutunguhan, wala akong silbe, wala akong mararating. pagiiwanan ako ng panahon at habang nasa himpapawirin na ang karamihan ng mga kasama ko, kasabay ko, ako? wala

wala akong mapapatunayan sa sarili ko, wala akong mapapatunayan sa ibang tao.

Thursday, July 7, 2011

nakataas ang paa niya sa upuan, saktong chill lang, pinakikinggan ang silid ng up dharma down habang kumakain ng napakasarap na cookies. titig sa kawalan.

"ang buhay ay parang itong mamahaling cookies, pag nakain ko na to, hindi na ito babalik sa dati niyang itsura, wala nang balikan."

"gusto ko pa ng isa, kaso parang nakakapanghinayang na ako lang kakain nito, ang mahal eh"

tumayo siya at naglakad patungo sa ref, gaya ng dati niyang gawain, binuksan niya ang lalagyanan ng tubig, lumagok ng mga ilang ulit at ibinalik sa loob ng ref ang lalagyanan.

"inaantok ako, gagawa ba ako o magpapahinga? minsan nakakasawang maging masipag. gusto kong mag pahinga, gusto ko magrelax."

wala naman talaga ata akong pangarap kung hindi ang mahalin lang ako. walang dating ang pera sa akin.

nagbuntong hininga siya, dumating na ang delivery ng beer sa kanilang pintuan.

Thursday, June 30, 2011

07-01-2011

naalimpungatan, nagising siya bigla, nakahiga sa kama.

paano kung ang buhay ay isang panaginip lamang, maaaring isang magandang panaginip, maaaring bangungot. at pagising mo, sa iyong pagkamatay ay ang isa pang buhay.

"hahahahahaha." natawa siya sa loob, naisip niyang maaari nga. pwede, may posibilidad. pero higit sa lahat.

"mas importante na mabuhay ako ngayon. masaya na din ako dahil may pinagaalayan ako ng buhay ko. marami akong problema, maraming inaasikaso, sana kayanin ko."

sa likod ng mga masasamang naging karanasan niya sa buhay na biglang pumasok ulit sa utak niya, sumabay pa ang takot sa hinaharap. ipinikit niya ang kanyang mga mata.

bumalik siya sa kanyang buhay.

Wednesday, June 29, 2011

6-30-2011

naglalakad siya pababa ng mrt station. hindi tulad ng dati na nagmamadali at halos patakbo siya, ngayon, isang mabagal na lakbayin lamang. kung dati, ang iniisip niya ay "kailangan kong magmadali, kailangan ko nang umuwi" ngayon, ay taliwas, iniisip niya kung anong nangyayari sa mundo na ginagalawan niya. ano ang nangyayari sa buhay niya.

ani mo'y isang normal na lalaki, palangiti, maayos kausap, matalino, mapagmahal sa mga tao, makadiyos. pero sa loob niya ay naninirahan ang takot, pagaalinlangan sa lahat ng bagay, pagkabagabag. nawawala, may pupuntahan pero hindi alam kung saan patungo.

"sabi nga nila ganun siguro ang buhay" buntong hininga sa loob pero sa labas ay parang wala lamang.

nasa terminal na siya ng jeep, inabot ang otso pesos na pamasahe niya sa ale,

pagpasok niya sa loob, tinitignan niya ang mga kapwa niyang nakasakay. naghahanap ng karamay. tuloy tuloy pa din ang kanyang pagiisip tungkol sa buhay. tuloy tuloy. mahirap mawala sa kanya ito sa pagkat ito lamang ang kanyang naging sandata dati, sa kalungkutan, sa pagkabigo. kanyang sandata para initindihin na lamang ang mga taong sumakit sa kanya. ngayon ay parang maayos na, pero hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob sa iba, napatawad na niya ang mga ito pero hindi niya pa din alam kung paano alisin ang sakit na naramdaman niya.

at kung paano hindi niya ito mapasa sa iba.

nagumpisa sa simpleng pagiisip, pero ito na pala ay nagiging dasal, kahit saan kahit kailan. umaasa na may makakarinig nito.

ang masayang tao na umiiyak sa lungkot.

Saturday, June 25, 2011

06-25-2011

nakapangalumbaba, nakasuot ang headphones, nagiisip kung paano nga ba tumakbo ang buhay, paano nga ba mabuhay ng tama. pero una sa lahat paano mabuhay.

"paano mo nga malalaman kung ano talaga ang tama at mali?

pwede kasing maging tama ang mga bagay-bagay depende sa pananaw ng tao. kung ano ang socially right. kung ano ang tama sa mata ng nakararami, pero yung nga ba yung tama? o dahil yun lang yung nakasanayan. 

ano nga ba ang tama sa mata ng diyos? pwedeng lahat ay tama at pwedeng lahat ay mali, pero sa huli ba, importante pa din yun?"

matagal siyang nakatulala sa monitor, tumutugtog ang kantang nakakagaan ng loob niya, mabigat ang utak sa dinadala, pero hinahayaan niya lang ito, nakikipagusap sa mundo, sa diyos din siguro. 

maraming kaguluhan sa mundo niya pero hindi halata sa kanyang mukha, sa kilos, sa gawa.

sa loob ng utak niya? isang walang hanggang paglalakbay, may hinahanap, maaaring nakahinto siya pero patuloy siyang naglalakad, hindi alam kung saan papunta pero may pupuntahan siya.

Friday, June 10, 2011

6-10-2011

what we lack is what we seek


Kapag ikaw, ay nasa dilim, natural na maghahanap ka ng liwanag, kapag sa katahimikan, ingay, sa kahirapan, yaman, kalungkutan, kasiyahan. kung ano ang wala sa iyo, yun ang natural na hahanapin mo. Yun daw ang kagandahan sa mga tao, hindi fixed yung mga bagay na gusto nila, kaya nangangarap sila. Tayong lahat ay may pangarap, simple man o kumplikado, mahirap man o madaling mahanap ay maituturing na isang pangarap. Iba iba ang mga pangarap depende sa mga taong humahangad at tumitingin nito, kaya ang pangarap ng isa ay medyo imposible na maging kagaya ng pangarap ng iba, kahit papaano, nagkakaiba ito dahil sa iba iba nating pananaw sa buhay at isama na din nating yung ating individuality and uniqueness.


Lahat tayo may pangarap, nangangarap. pero sadyang may mga tao na nag-iimpose sa iyo ng mga pangarap "nila" para sa iyo, yun yung gusto nila, hindi yung gusto mo, at wala kang palag, lalo na pag mahal mo sila.


Magulang, kung titignan natin ang pagkakabuo ng mismong salita, "gulang" pwedeng edad o pwede ding pandadaya o pandurugas. pwede din sigurong parehas. Yung ibang mga magulang, minamahal nila ang mga anak nila, sa akin? ewan ko lang.


ito na yung parte ng buhay ko minsan nasasabi ko na P*T*NG*N* lang. 


inaamin ko na hindi maganda yung relasyon ko at ng magulang ko. simula pagkabata hindi ako naasikaso ng magulang ko ng maayos. sa mga espesyal na panahon na kailangan ng magulang, wala sila, kumakayod para sa pera, para makaipon, para daw sa akin o sa aming magkapatid. sumobra ata sila sa pagkayod dahil hindi ko sila naramdaman noong mga panahon na kailangan ko ng magulang. isang perpeksyunistang nanay, at isang tatay na hindi ko alam yung ugali, ang mga naramdaman ko lang eh yung mga panahon na pinalo ako at nasaktan. nabuhay sa pagtitipid kahit na alam mo naman na may maibibigay at ang masakit, yung hindi ka maappreciate ng magulang mo, hindi ako kilala ng magulang ko, kung sino ako, kung san ako magaling, kilala lang nila ako sa pangalan at kung ano ang gusto nilang makita, hindi sa pagkatao ko. putang ina lang. 


sobrang sama ng loob ko ngayon. araw araw nadadagdagan, ako ay isang tropeyo lamang sa tingin nila, pag may nagawang tama, ok lang. pero pag nagkamali, mas masahol pa sa kriminal ang dating mo. putanginang buhay to, ang hirap ng ganitong pakiramdam. putangina, nasasawa na ako sa buhay ko. putangina lang. putangina talaga. 


WALA AKONG MAGAWA KASI ANAK LANG AKO AT SILA YUNG MAGULANG KO. WALA AKONG KARAPATANG MAGSALITA DAHIL ANAK LANG AKO AT SILA ANG TAMA, 


minsan naisip ko, naging masama siguro akong tao dati, at ito na ang impyerno ko. 

Monday, May 23, 2011

5-24-2011

it's been a long time, long time since i went to the market.


parang nanibago ako sa amoy ng palengke, matagal na kasi akong hindi nakapunta sa palengke, sumama kay inay o pumunta dun magisa para mamalengke. alam ko ang pasikot sikot dun, kung saan bibili ng mga sariwang gulay, isda at baboy. kung ikaw ay isa sa mga sossy class malamang hindi ka sanay sa amoy nito, sa singaw dulot ng pinaghalo halong pinaglinisan ng isda, amoy ng bagong katay na baboy, pawis ng mga taong naghahanap -buhay dito. mainit, mabantot, nakakasulasok, maingay. kanya kanyang sigaw para makaengganyo ng mga mamimili para maubos ang mga paninda nila.

values


merong dalawang ibig sabihin itong salita na ito. una ay yung kung magkano ba o yung halaga ng isang tao, bagay, hayop, lugar at kung ano pa man. sa panahon natin, lahat may halaga, ikaw ay may katumbas sa mata ng isang tao. katulad din ito ng pera, pinaghihirapan pero sa huli, maiisip mo kung mahalaga ba ito o hindi. pangalawa, ito yung ethics o yung mga pamantayan ng mga tao sa pagkilos, kung ano yung socially  na tama sa mata ng lahat. sa babae marami ito pero sa mga lalaki, konti lang. kailangan mahinhin kumilos kapag ganito,  kailangan hindi ka bastos, kailangang ganito, kailangang ganyan, parang girlfriend lang ika sa isang patalastas ng sikat na fastfood chain. ito ay mas mahalaga sa una kong nabanggit, dahil ito, kadalasan ay hindi lamang para sa sarili mo kung hindi sa mga kinakahalubian mo. pero sa mga panahon ngayon, madalas nasasawalang bahala ito ng mga tao.

sa palengke. umiikot ang value ng mga bagay-bagay, presyo ay tumataas at bumababa at meron din namang mga bagay na consistent lang ang presyo. yung values? pagkakaibigan ng mga tindera, andun pa din ang respeto sa pagitan ng mga tindero at tindera respeto ng tindera sa kapwa tindera pero sa mga mamimili, minsan kanya kanya lang. umiikot, walang pakialam sa isa't isa. bahala na kung may mabangga ka, minsan nga, sila pa yung nakabangga, sila pa galit. pag-alis namin sa palengke, kasama namin ang amoy na nakuha namin sa unang apak palamang sa lugar na ito. madadala namin ito sa aming pag-uwi. ang kagandahan nito, matatanggal ito sa pamamagitan ng pagligo at pagpalit ng damit.

mabaho, madungis. yan ang makikita mo sa palengke kapag hindi mo papansinin yung tao. dahil bagong gising ako noong pumunta ako sa palengke, naghilamos lang ako at hindi na nagmumog. pwedeng tinamad lang ako magmumog o dahil hindi naman talaga ako nagmumumog eh. pero ayun na nga. napaisip ako dito  sa baho kaya ng hininga ko, maaamoy kaya ito ng mga taong nasa palengke?

sa isang bansa ba na talamak ang mali, mapapansin nga ba ang isang maliit na kalokohan? o dahil ba sa isang maliit na kalokohan na tinakpan ng mas malaking kalokohan kaya nabuo ang isang bansang lunod sa kamalian? nasan na kaya yung mga values na dati ay binibigyang halaga?

ang mali ba ay yung mga nagpapatakbo o yung mga nasasakupan na kahit na may nakikita ay wala din ginagawa? meron pa din namang mangilan ngilan na gumagawa ng tama. pero sa huli, hindi naman ito nagkakaroon ng marka kaya nauuwi na lang sa paggawa din ng mali. ang mga lumalaban ay nawawala, pag lumusong ka naman, hindi ka na makakaahon. tapos sa huli, magbabangayan, magsisisihan, magtuturuan. walang maglalakas loob na umako ng mali at walang gustong gumawa ng tama. nakikita ito ng mga kabataan, hindi lang konti pero karamihan dahil na din sa balita. impormasyon na kumakalat na parang nagngangalit na hangin, mabilis, malakas.

may pagasa pa kaya sa mabahong palengke? meron, kahit mahirap na daang tahakin ito, may pagasa pa para maging maaliwalas. sobrang lapit lang ng pagasa pero willing ba ang mga tao, sa pagbabago? madali lang magbago pero mahirap panatilihin ito lalo na kung nasanay ka dun sa dati. isang malupit na bigwas ng disiplina ang kailangan. kung tutuusin, kayang kaya. kung magkakasundo ang lahat, walang lamangan, tulungan, respeto sa isa't isa at marami pang ibang values ang ibabalik. bakit nga ba hindi diba?

mas madaling masosolusyunan to kung magmumumog ang tao at magsisipilyo. para walang amoy na dadagdag pa sa mabahong lugar, na naging sistema, na mahirap tanggaling kapag nasanay na.

ang tanong na din dito eh. ano ba ang gagawin mo at kailan. masyado ka bang busy, marami kang inaalala, o marahil tinamad ka lang.

*singhot*

amoy palengke pa ako. pero nasapawan ng amoy ng inihaw dahil inihaw na namin ng aking kapatid yung isdang binili ko. hindi ako amoy palengke pero yung dumi na nasa palengke, dumikit sa akin. ligo muna.

*publish post*

Sunday, May 22, 2011

5-23-2011

my heart, pumps hard. it feels like my first time to blog.

Mapapamura ka ng solid. yung tipong "T*NG*N*!.. with feelings" tapos sabay bitaw ng neutral face. 

Isang bagong blog o talaarawan ng isang luma at simpleng tao pa din. Noon, ang kadahilanan ng aking paggawa ng talaarawan ay dahil magulo ang aking utak, means of steaming out ba. Sa mga hindi malamang kadahilanan tulad ng pagiging busy sa pagaaral, pagiging anak, paggitara, pangungulangot paminsan minsan, at marami pang bagay, nahinto ako sa paglalagay ng kahit ano man sa aking tala-arawan. Akala ko hihinto na yung utak ko sa pagiisip ng mangilan ngilang bagay na kahit papaano eh may katuturan kahit konti. Akala ko ganun pero naisip ko na sa huli, itatrato pa din ng mga tao na basura at sagabal sa mga bagay na kailangan nilang gawin. mga isinisigaw ng puso natin tungkol sa mga bagay bagay sa paligid natin pero patuloy nating binabaliwala.

Ayun, sa huli hindi ko maisawalang bahala yung mga bagay na yun. masyado na silang maingay sa utak ko at in the end, nagiging congested ang utak ko. ayun. Bumalik ako sa dating gawain ko. 

Napadpad ako sa isang blogging site. Ayus din naman, kaso parang hindi nafu-fullfill yung pagiging blogger ko. Hindi tulad ng ganito na nagsusulat ako ng kahit mahaba eh may mga taong may gana pa din na magbasa nito. Doon, para maging patok, kailangan ang ilalagay mo ay kung hindi mga litrato eh mga bagay na maiiksi para maka-relate ang mga tao. 

Ayun in the end "ka-post" (bitin ba) ang mga post ko(pasensya naman. bitin din yung joke). Kaya ayan. nagbabalik nanaman ako dito, hinahayaan ko na lumabas lahat ng mga sinasabi ng puso ko. Willing ulit akong magsulat dahil kahit papaano, merong isang tao na nagbabasa ng mga tina-type ko kahit na sa tingin ko ay walang katuturan. maraming salamat -joel.

kahit papaano kumalma na utak ko. 

naloko na! hapon na pala, hindi pa ako naliligo at naglalaba. 

*publish post