naalimpungatan, nagising siya bigla, nakahiga sa kama.
paano kung ang buhay ay isang panaginip lamang, maaaring isang magandang panaginip, maaaring bangungot. at pagising mo, sa iyong pagkamatay ay ang isa pang buhay.
"hahahahahaha." natawa siya sa loob, naisip niyang maaari nga. pwede, may posibilidad. pero higit sa lahat.
"mas importante na mabuhay ako ngayon. masaya na din ako dahil may pinagaalayan ako ng buhay ko. marami akong problema, maraming inaasikaso, sana kayanin ko."
sa likod ng mga masasamang naging karanasan niya sa buhay na biglang pumasok ulit sa utak niya, sumabay pa ang takot sa hinaharap. ipinikit niya ang kanyang mga mata.
bumalik siya sa kanyang buhay.
Thursday, June 30, 2011
Wednesday, June 29, 2011
6-30-2011
naglalakad siya pababa ng mrt station. hindi tulad ng dati na nagmamadali at halos patakbo siya, ngayon, isang mabagal na lakbayin lamang. kung dati, ang iniisip niya ay "kailangan kong magmadali, kailangan ko nang umuwi" ngayon, ay taliwas, iniisip niya kung anong nangyayari sa mundo na ginagalawan niya. ano ang nangyayari sa buhay niya.
ani mo'y isang normal na lalaki, palangiti, maayos kausap, matalino, mapagmahal sa mga tao, makadiyos. pero sa loob niya ay naninirahan ang takot, pagaalinlangan sa lahat ng bagay, pagkabagabag. nawawala, may pupuntahan pero hindi alam kung saan patungo.
"sabi nga nila ganun siguro ang buhay" buntong hininga sa loob pero sa labas ay parang wala lamang.
nasa terminal na siya ng jeep, inabot ang otso pesos na pamasahe niya sa ale,
pagpasok niya sa loob, tinitignan niya ang mga kapwa niyang nakasakay. naghahanap ng karamay. tuloy tuloy pa din ang kanyang pagiisip tungkol sa buhay. tuloy tuloy. mahirap mawala sa kanya ito sa pagkat ito lamang ang kanyang naging sandata dati, sa kalungkutan, sa pagkabigo. kanyang sandata para initindihin na lamang ang mga taong sumakit sa kanya. ngayon ay parang maayos na, pero hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob sa iba, napatawad na niya ang mga ito pero hindi niya pa din alam kung paano alisin ang sakit na naramdaman niya.
at kung paano hindi niya ito mapasa sa iba.
nagumpisa sa simpleng pagiisip, pero ito na pala ay nagiging dasal, kahit saan kahit kailan. umaasa na may makakarinig nito.
ang masayang tao na umiiyak sa lungkot.

Saturday, June 25, 2011
06-25-2011
nakapangalumbaba, nakasuot ang headphones, nagiisip kung paano nga ba tumakbo ang buhay, paano nga ba mabuhay ng tama. pero una sa lahat paano mabuhay.
"paano mo nga malalaman kung ano talaga ang tama at mali?
pwede kasing maging tama ang mga bagay-bagay depende sa pananaw ng tao. kung ano ang socially right. kung ano ang tama sa mata ng nakararami, pero yung nga ba yung tama? o dahil yun lang yung nakasanayan.
ano nga ba ang tama sa mata ng diyos? pwedeng lahat ay tama at pwedeng lahat ay mali, pero sa huli ba, importante pa din yun?"
matagal siyang nakatulala sa monitor, tumutugtog ang kantang nakakagaan ng loob niya, mabigat ang utak sa dinadala, pero hinahayaan niya lang ito, nakikipagusap sa mundo, sa diyos din siguro.
maraming kaguluhan sa mundo niya pero hindi halata sa kanyang mukha, sa kilos, sa gawa.
sa loob ng utak niya? isang walang hanggang paglalakbay, may hinahanap, maaaring nakahinto siya pero patuloy siyang naglalakad, hindi alam kung saan papunta pero may pupuntahan siya.
Friday, June 10, 2011
6-10-2011
what we lack is what we seek
Kapag ikaw, ay nasa dilim, natural na maghahanap ka ng liwanag, kapag sa katahimikan, ingay, sa kahirapan, yaman, kalungkutan, kasiyahan. kung ano ang wala sa iyo, yun ang natural na hahanapin mo. Yun daw ang kagandahan sa mga tao, hindi fixed yung mga bagay na gusto nila, kaya nangangarap sila. Tayong lahat ay may pangarap, simple man o kumplikado, mahirap man o madaling mahanap ay maituturing na isang pangarap. Iba iba ang mga pangarap depende sa mga taong humahangad at tumitingin nito, kaya ang pangarap ng isa ay medyo imposible na maging kagaya ng pangarap ng iba, kahit papaano, nagkakaiba ito dahil sa iba iba nating pananaw sa buhay at isama na din nating yung ating individuality and uniqueness.
Lahat tayo may pangarap, nangangarap. pero sadyang may mga tao na nag-iimpose sa iyo ng mga pangarap "nila" para sa iyo, yun yung gusto nila, hindi yung gusto mo, at wala kang palag, lalo na pag mahal mo sila.
Magulang, kung titignan natin ang pagkakabuo ng mismong salita, "gulang" pwedeng edad o pwede ding pandadaya o pandurugas. pwede din sigurong parehas. Yung ibang mga magulang, minamahal nila ang mga anak nila, sa akin? ewan ko lang.
ito na yung parte ng buhay ko minsan nasasabi ko na P*T*NG*N* lang.
inaamin ko na hindi maganda yung relasyon ko at ng magulang ko. simula pagkabata hindi ako naasikaso ng magulang ko ng maayos. sa mga espesyal na panahon na kailangan ng magulang, wala sila, kumakayod para sa pera, para makaipon, para daw sa akin o sa aming magkapatid. sumobra ata sila sa pagkayod dahil hindi ko sila naramdaman noong mga panahon na kailangan ko ng magulang. isang perpeksyunistang nanay, at isang tatay na hindi ko alam yung ugali, ang mga naramdaman ko lang eh yung mga panahon na pinalo ako at nasaktan. nabuhay sa pagtitipid kahit na alam mo naman na may maibibigay at ang masakit, yung hindi ka maappreciate ng magulang mo, hindi ako kilala ng magulang ko, kung sino ako, kung san ako magaling, kilala lang nila ako sa pangalan at kung ano ang gusto nilang makita, hindi sa pagkatao ko. putang ina lang.
sobrang sama ng loob ko ngayon. araw araw nadadagdagan, ako ay isang tropeyo lamang sa tingin nila, pag may nagawang tama, ok lang. pero pag nagkamali, mas masahol pa sa kriminal ang dating mo. putanginang buhay to, ang hirap ng ganitong pakiramdam. putangina, nasasawa na ako sa buhay ko. putangina lang. putangina talaga.
WALA AKONG MAGAWA KASI ANAK LANG AKO AT SILA YUNG MAGULANG KO. WALA AKONG KARAPATANG MAGSALITA DAHIL ANAK LANG AKO AT SILA ANG TAMA,
minsan naisip ko, naging masama siguro akong tao dati, at ito na ang impyerno ko.

Subscribe to:
Comments (Atom)