it's been a long time, long time since i went to the market.
parang nanibago ako sa amoy ng palengke, matagal na kasi akong hindi nakapunta sa palengke, sumama kay inay o pumunta dun magisa para mamalengke. alam ko ang pasikot sikot dun, kung saan bibili ng mga sariwang gulay, isda at baboy. kung ikaw ay isa sa mga sossy class malamang hindi ka sanay sa amoy nito, sa singaw dulot ng pinaghalo halong pinaglinisan ng isda, amoy ng bagong katay na baboy, pawis ng mga taong naghahanap -buhay dito. mainit, mabantot, nakakasulasok, maingay. kanya kanyang sigaw para makaengganyo ng mga mamimili para maubos ang mga paninda nila.
values
merong dalawang ibig sabihin itong salita na ito. una ay yung kung magkano ba o yung halaga ng isang tao, bagay, hayop, lugar at kung ano pa man. sa panahon natin, lahat may halaga, ikaw ay may katumbas sa mata ng isang tao. katulad din ito ng pera, pinaghihirapan pero sa huli, maiisip mo kung mahalaga ba ito o hindi. pangalawa, ito yung ethics o yung mga pamantayan ng mga tao sa pagkilos, kung ano yung socially na tama sa mata ng lahat. sa babae marami ito pero sa mga lalaki, konti lang. kailangan mahinhin kumilos kapag ganito, kailangan hindi ka bastos, kailangang ganito, kailangang ganyan, parang girlfriend lang ika sa isang patalastas ng sikat na fastfood chain. ito ay mas mahalaga sa una kong nabanggit, dahil ito, kadalasan ay hindi lamang para sa sarili mo kung hindi sa mga kinakahalubian mo. pero sa mga panahon ngayon, madalas nasasawalang bahala ito ng mga tao.
sa palengke. umiikot ang value ng mga bagay-bagay, presyo ay tumataas at bumababa at meron din namang mga bagay na consistent lang ang presyo. yung values? pagkakaibigan ng mga tindera, andun pa din ang respeto sa pagitan ng mga tindero at tindera respeto ng tindera sa kapwa tindera pero sa mga mamimili, minsan kanya kanya lang. umiikot, walang pakialam sa isa't isa. bahala na kung may mabangga ka, minsan nga, sila pa yung nakabangga, sila pa galit. pag-alis namin sa palengke, kasama namin ang amoy na nakuha namin sa unang apak palamang sa lugar na ito. madadala namin ito sa aming pag-uwi. ang kagandahan nito, matatanggal ito sa pamamagitan ng pagligo at pagpalit ng damit.
mabaho, madungis. yan ang makikita mo sa palengke kapag hindi mo papansinin yung tao. dahil bagong gising ako noong pumunta ako sa palengke, naghilamos lang ako at hindi na nagmumog. pwedeng tinamad lang ako magmumog o dahil hindi naman talaga ako nagmumumog eh. pero ayun na nga. napaisip ako dito sa baho kaya ng hininga ko, maaamoy kaya ito ng mga taong nasa palengke?
sa isang bansa ba na talamak ang mali, mapapansin nga ba ang isang maliit na kalokohan? o dahil ba sa isang maliit na kalokohan na tinakpan ng mas malaking kalokohan kaya nabuo ang isang bansang lunod sa kamalian? nasan na kaya yung mga values na dati ay binibigyang halaga?
ang mali ba ay yung mga nagpapatakbo o yung mga nasasakupan na kahit na may nakikita ay wala din ginagawa? meron pa din namang mangilan ngilan na gumagawa ng tama. pero sa huli, hindi naman ito nagkakaroon ng marka kaya nauuwi na lang sa paggawa din ng mali. ang mga lumalaban ay nawawala, pag lumusong ka naman, hindi ka na makakaahon. tapos sa huli, magbabangayan, magsisisihan, magtuturuan. walang maglalakas loob na umako ng mali at walang gustong gumawa ng tama. nakikita ito ng mga kabataan, hindi lang konti pero karamihan dahil na din sa balita. impormasyon na kumakalat na parang nagngangalit na hangin, mabilis, malakas.
may pagasa pa kaya sa mabahong palengke? meron, kahit mahirap na daang tahakin ito, may pagasa pa para maging maaliwalas. sobrang lapit lang ng pagasa pero willing ba ang mga tao, sa pagbabago? madali lang magbago pero mahirap panatilihin ito lalo na kung nasanay ka dun sa dati. isang malupit na bigwas ng disiplina ang kailangan. kung tutuusin, kayang kaya. kung magkakasundo ang lahat, walang lamangan, tulungan, respeto sa isa't isa at marami pang ibang values ang ibabalik. bakit nga ba hindi diba?
mas madaling masosolusyunan to kung magmumumog ang tao at magsisipilyo. para walang amoy na dadagdag pa sa mabahong lugar, na naging sistema, na mahirap tanggaling kapag nasanay na.
ang tanong na din dito eh. ano ba ang gagawin mo at kailan. masyado ka bang busy, marami kang inaalala, o marahil tinamad ka lang.
*singhot*
amoy palengke pa ako. pero nasapawan ng amoy ng inihaw dahil inihaw na namin ng aking kapatid yung isdang binili ko. hindi ako amoy palengke pero yung dumi na nasa palengke, dumikit sa akin. ligo muna.
*publish post*
Monday, May 23, 2011
Sunday, May 22, 2011
5-23-2011
my heart, pumps hard. it feels like my first time to blog.
Mapapamura ka ng solid. yung tipong "T*NG*N*!.. with feelings" tapos sabay bitaw ng neutral face.
Isang bagong blog o talaarawan ng isang luma at simpleng tao pa din. Noon, ang kadahilanan ng aking paggawa ng talaarawan ay dahil magulo ang aking utak, means of steaming out ba. Sa mga hindi malamang kadahilanan tulad ng pagiging busy sa pagaaral, pagiging anak, paggitara, pangungulangot paminsan minsan, at marami pang bagay, nahinto ako sa paglalagay ng kahit ano man sa aking tala-arawan. Akala ko hihinto na yung utak ko sa pagiisip ng mangilan ngilang bagay na kahit papaano eh may katuturan kahit konti. Akala ko ganun pero naisip ko na sa huli, itatrato pa din ng mga tao na basura at sagabal sa mga bagay na kailangan nilang gawin. mga isinisigaw ng puso natin tungkol sa mga bagay bagay sa paligid natin pero patuloy nating binabaliwala.
Ayun, sa huli hindi ko maisawalang bahala yung mga bagay na yun. masyado na silang maingay sa utak ko at in the end, nagiging congested ang utak ko. ayun. Bumalik ako sa dating gawain ko.
Napadpad ako sa isang blogging site. Ayus din naman, kaso parang hindi nafu-fullfill yung pagiging blogger ko. Hindi tulad ng ganito na nagsusulat ako ng kahit mahaba eh may mga taong may gana pa din na magbasa nito. Doon, para maging patok, kailangan ang ilalagay mo ay kung hindi mga litrato eh mga bagay na maiiksi para maka-relate ang mga tao.
Ayun in the end "ka-post" (bitin ba) ang mga post ko(pasensya naman. bitin din yung joke). Kaya ayan. nagbabalik nanaman ako dito, hinahayaan ko na lumabas lahat ng mga sinasabi ng puso ko. Willing ulit akong magsulat dahil kahit papaano, merong isang tao na nagbabasa ng mga tina-type ko kahit na sa tingin ko ay walang katuturan. maraming salamat -joel.
kahit papaano kumalma na utak ko.
naloko na! hapon na pala, hindi pa ako naliligo at naglalaba.
*publish post
Subscribe to:
Comments (Atom)