Sunday, May 22, 2011

5-23-2011

my heart, pumps hard. it feels like my first time to blog.

Mapapamura ka ng solid. yung tipong "T*NG*N*!.. with feelings" tapos sabay bitaw ng neutral face. 

Isang bagong blog o talaarawan ng isang luma at simpleng tao pa din. Noon, ang kadahilanan ng aking paggawa ng talaarawan ay dahil magulo ang aking utak, means of steaming out ba. Sa mga hindi malamang kadahilanan tulad ng pagiging busy sa pagaaral, pagiging anak, paggitara, pangungulangot paminsan minsan, at marami pang bagay, nahinto ako sa paglalagay ng kahit ano man sa aking tala-arawan. Akala ko hihinto na yung utak ko sa pagiisip ng mangilan ngilang bagay na kahit papaano eh may katuturan kahit konti. Akala ko ganun pero naisip ko na sa huli, itatrato pa din ng mga tao na basura at sagabal sa mga bagay na kailangan nilang gawin. mga isinisigaw ng puso natin tungkol sa mga bagay bagay sa paligid natin pero patuloy nating binabaliwala.

Ayun, sa huli hindi ko maisawalang bahala yung mga bagay na yun. masyado na silang maingay sa utak ko at in the end, nagiging congested ang utak ko. ayun. Bumalik ako sa dating gawain ko. 

Napadpad ako sa isang blogging site. Ayus din naman, kaso parang hindi nafu-fullfill yung pagiging blogger ko. Hindi tulad ng ganito na nagsusulat ako ng kahit mahaba eh may mga taong may gana pa din na magbasa nito. Doon, para maging patok, kailangan ang ilalagay mo ay kung hindi mga litrato eh mga bagay na maiiksi para maka-relate ang mga tao. 

Ayun in the end "ka-post" (bitin ba) ang mga post ko(pasensya naman. bitin din yung joke). Kaya ayan. nagbabalik nanaman ako dito, hinahayaan ko na lumabas lahat ng mga sinasabi ng puso ko. Willing ulit akong magsulat dahil kahit papaano, merong isang tao na nagbabasa ng mga tina-type ko kahit na sa tingin ko ay walang katuturan. maraming salamat -joel.

kahit papaano kumalma na utak ko. 

naloko na! hapon na pala, hindi pa ako naliligo at naglalaba. 

*publish post

4 comments:

  1. pede tumawa muna? lol.
    una sa lahat, hindi totoo na walang katuturan yung mga sinusulat mo. madami kaya ako natutunan dun date. natuto akong maging emo. joke lang.

    para sa akin, kaya tayo nagbloblog para sa sarili natin. para mailabas natin yung gusto natin sabihin. hindi importante kung may nagbasa man neto o wala. bonus nalang yun kumbaga.

    madami kong nababasa tungkol sa pagbloblog. sabi nila, minsan ka daw maging blogger, itigil mo man ito. blogger ka pa din. babalik at babalik ka sa pagbablog. sa tingin ko, yun ka. certified manunulat ka. kung tutuusin, mas may laman yung mga sinusulat mo kesa sa mga sinusulat ko.

    sulat ka pa ng sulat ser. asahan mo na habang petiks ako e patuloy pa din ako magbabasa ng mga entries mo. idol kaya kita. \m/

    ReplyDelete
  2. Dito pala nakuha ni sir bulakbolero.sg yung new post niya. -Maskara

    Para sa akin hindi mo naman kailangan i-impress ang mga readers eh. Kung ano yung nararamdaman mo isulat, isulat mo lang. Limitahan mo man o isagad hanggang sa pagkatao mo ang sulat mo, basta nauupos yung nasasaloob mo, sige lang!

    good luck :)

    ReplyDelete
  3. napadaan lang po gawa nung blogger na nasa itaas ng comment ko :)

    Weebee po sa pagbblog!

    Ako minsan ganyan din, may mga panahon na hindi ako nagbblog. Minsan dala ng katamaran at minsan naman may mga pangyayari na hindi mo alam kung paano sisimulang ikwento kaya naman natatambak lang lahat sa drafts.

    Pero sabi nga, nasa dugo na yan. Once a blogger always a blogger. Kakatihin ka pa rin na tumipa. Hahanap at hahanap ka pa rin ng topic na pwedeng pag-usapan o kaya pangyayari sa buhay natin na gusto nating ikwento.

    Masaya kapag merong nakakaappreciate ng sinusulat natin at may nakakaintindi sa mga kaemohan natin sa buhay pero feeling ko, uhmmm sige ganito na lang, sigurado ako na mas masaya tayo kapag nailalabas natin ang ating mga saloobin, kapag naipapahayag natin ito sa medium na komportable tayo. Kumbaga bonus na lang ang followers at nagcocomment.

    Nice meeting you ser! Sulat lang ng sulat, aabangan ko pa po ang mga susunod mong mga post. :)

    ReplyDelete