naglalakad siya pababa ng mrt station. hindi tulad ng dati na nagmamadali at halos patakbo siya, ngayon, isang mabagal na lakbayin lamang. kung dati, ang iniisip niya ay "kailangan kong magmadali, kailangan ko nang umuwi" ngayon, ay taliwas, iniisip niya kung anong nangyayari sa mundo na ginagalawan niya. ano ang nangyayari sa buhay niya.
ani mo'y isang normal na lalaki, palangiti, maayos kausap, matalino, mapagmahal sa mga tao, makadiyos. pero sa loob niya ay naninirahan ang takot, pagaalinlangan sa lahat ng bagay, pagkabagabag. nawawala, may pupuntahan pero hindi alam kung saan patungo.
"sabi nga nila ganun siguro ang buhay" buntong hininga sa loob pero sa labas ay parang wala lamang.
nasa terminal na siya ng jeep, inabot ang otso pesos na pamasahe niya sa ale,
pagpasok niya sa loob, tinitignan niya ang mga kapwa niyang nakasakay. naghahanap ng karamay. tuloy tuloy pa din ang kanyang pagiisip tungkol sa buhay. tuloy tuloy. mahirap mawala sa kanya ito sa pagkat ito lamang ang kanyang naging sandata dati, sa kalungkutan, sa pagkabigo. kanyang sandata para initindihin na lamang ang mga taong sumakit sa kanya. ngayon ay parang maayos na, pero hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob sa iba, napatawad na niya ang mga ito pero hindi niya pa din alam kung paano alisin ang sakit na naramdaman niya.
at kung paano hindi niya ito mapasa sa iba.
nagumpisa sa simpleng pagiisip, pero ito na pala ay nagiging dasal, kahit saan kahit kailan. umaasa na may makakarinig nito.
ang masayang tao na umiiyak sa lungkot.
anong problema pre?
ReplyDelete